top of page

Baby Hugo on Board/

 

Kasabay ng pagkakaroon ko ng X100T, inisip ko na din na gumawa ng sariling photo project para naman makabisado ko yung controls ng camera, at the same time matutunan kong gumawa ng photo project tulad nito.

 

Kaya naman hindi na ako lumayo pa at naghanap ng kung ano anong subject at pinili ko na lang na gawing subject ang pamangkin ko na si Hugo. Unang pamangkin ko eh, hehe. Ngayon alam ko na pakiramdam ng maging tito, magbuhat ng baby at magpalit ng diaper, hahahah joke lang, hindi ako nagpapalit ng diaper ni Hugo. 

 

Dec 12 2014 dumating si Hugo sa pinas kasama ang kanyang parents, para mag celebrate ng pasko at new year. Unang apo sya kaya lahat excited na Makita at mabuhat sya, kaya naman nung nakita sya ng kanyang lolo at lola sa tuhod eh sagad ang ngiti nila. Sa sobrang enjoy naming sa bakasyon eh hindi na nga naming namalayan na sobrang laki na pala ni Hugo, pano ba naman eh puro tulog ang ginawa, kahit sa sobrang ingay ng mall eh hindi padin mapipigilan pag gusto nyang matulog. Pampanga Manila at Tagaytay ang napuntahan nya sa maigsing bakasyon nya sa pinas, panigurado dadami pa ang mapupuntahan nya, may malaking nunal kasi sya sa paa, Hehe.

 

Mabilis talagang lumaki ang bata, kaya mabuti na din na naisipan ko na sya ang gawing subject at ipakita ang mga pictures nya sa inyo na halos karamihan eh tulog, hehe. Enjoy.

First picture ni Hugo ng dumating sa Pilipinas, kayalang tulog dahil napagod sa byahe.

Gising na ang lahat pero s'ya tulog pa, hehe. Busy ang Daddy sa pag update ng status. :)

Hugo meets his Dad's lolo and lola

First out of town trip kasama ang buong pamilya

Dito nagtatapos ang unang project kong kwento ni Hugo na puro tulog at pa cute. Panigurado madami pang araw ang dadating na puro si Hugo ang kukuhanan ko, kaya malamang magkaroon pa ng part 2 ito. Para sa huling litrato sa project na 'to, ang paborito kong shirt ni Hugo. Happy sleeping, Salamat! :)

bottom of page