top of page

THE X100Third Experience/

 

Hindi ako blogger, hindi din ako gumagawa ng review ng kahit anong bagay, pero feeling ko kailangan kong subukang i-kwento ang experience ko sa bagong camera ko. Kaya sasabihin ko na lang ang gusto kong sabihin.

 

Halos dalawang linggo ko ng ginagamit ang X100T ko at sa totoo lang akala ko masusulit ko yung D600 ko pagdating ko sa Pinas, hindi pala. Mula nung nagamit ko na yung X100T ko, na-enjoy ko talaga yung bagong experience ng pinag aralan ko yung camera, binasa ko yung manual, pinag experimentuhan ko yung mga settings, inalam ko yung mga dials at buttons, syempre nag selfie din, haha. Siguro totoo nga yung sinabi sa akin ni Jay at Julius na "pag nagamit mo na yung X100T mo, magiging madalang mo ng gamitin yung DSLR mo." Sa umpisa mahirap kahit sanay ako sa MANUAL mode, pero habang tumatagal at nadadalas ang pag gamit ko eh' nasasanay na ako.

 

Ang mga nagustuhan ko sa X100T, Una eh' yung style at design nya na retro look. Magaan at maliit kaya pwede kong dalin ng hindi nahahalata ng mga tao na may dala akong camera. SHARP, SHARP at SHARP, hehe. May MANUAL, APERTURE, SHUTTER mode na katulad sa DSLR cameras. ISO performance panalo din iso 6400 sa CROP Sensor na camera eh' nakakakuha padin ako ng usable results. Aperture opening hanggang F2, lalo na kapag gagamitin ko to sa portrait (pero hindi ako mahilig sa portrait.) LOL. Gusto ko din yung option na pwede kang mamili kung Optical or Electronic viewfinder ang gusto mong gamitin. Film Simulation, lalo na yung Classic Chrome mode na palagi kong gamit, kaya minsan meron akong mga shot na hindi ko na kailangan ng masyadong editing. RAW + JPEG capable din tapos maganda na din ang quality ng JPEG, pero RAW padin ang syempre ang ginagamit ko. FIX LENS, karamihan ng nababasa ko na gumagawa ng review ng X100 Series eh' nilalagay nila sa Cons yung pagiging fix lens ng X100, pero para sakin challenge yun para lumakas ang loob kong lumapit o lumayo sa subject. WIFI, very useful to sakin lalo na kapag may gusto akong iupload kagad na photo from X100T to iPhone or minsan direkta na sa FB. Silent Mode, isang gabi nag shoot kami ng kaibigan kong si Julius sa Bayan, at everytime mag shoshoot ako tumutunog yung focus sound kaya napapalingon tuloy yung kinukuhanan ko. 

 

Madami pa akong hindi na eexplore at hindi nabanggit na nagustuhan ko sa X100T, pero enough na yung mga nabanggit ko para masagot ko yung tanong sakin ng ibang tao kung sulit daw ba ang pag bili ko ng camera, hehe. 

 

Syempre may hindi din naman ako nagustuhan sa X100T. Video mode, walang auto focus kaya manual focus lang ang magagamit ko. Battery life, sobrang igsi ng battery life, naka gamit ako ng dalawang battery sa 4 hours na shoot ko lang, siguro dahil laging naka ON yung camera at naka Electronic Viewfinder mode pa ako. Focusing, may times na tutunog yung focus sound pero pag click ko, hindi naman pala focus lalo na pag gamit ko yung optical viewfinder, madalas mangyari lang naman yon kapag masyadong gabi na at halos wala ng contrast na nakikita talaga yung camera. Weather Sealing, natatakot akong ilabas yung camera kahit kapag ambon lang.

 

Yan lang naman so far ang hindi ko nagustuhan sa X100T at panigurado akong madadagdagan pa yan, hehe.

 

Lahat ng camera ay may mga advantage at disadvantage, kaya depende na sa tao yun kung ano ang kaya nyang i-sacrifice sa pag pili ng camera. For sure magagamit ko padin yung D600 ko sa ibang genre. Sabi nga ng iba "nasa injan yan, wala sa pana" pero para sa akin, hindi palaging ganon sa photography. Nakakatulong din ang magandang quality ng camera at lens para ma motivate ka na makapag produce ng magandang photos.

 

 

 

SAMPLE SHOTS

bottom of page